Ayon kay Eastern Visayas Police Director Police Brig. Gen. Dionardo Carlos, alas-4:30 ng hapon nang maharang sa police checkpoint ang 88 kilo ng shabu na isinakay sa kulay abong Mitsubishi Lancer (XTE 453) at kulay itim na Nissan Sentra (ZLV 463) sa Maharlika Highway, Brgy. Buñagan, Gandara.
File
P600 milyong shabu nasabat sa checkpoint, 5 tiklo
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - October 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umiskor ang pinagsanib na elemento ng Samar Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-8 sa Eastern Visayas makaraang maharang sa checkpoint ang may P600 milyong halaga ng shabu na nagresulta sa pagkakaaresto ng limang hinihinalaang drug traffickers sa inilatag na checkpoint sa Brgy. Buñagan, Gandara, Samar nitong Huwebes.

Ayon kay Eastern Visayas Police Director Police Brig. Gen. Dionardo Carlos, alas-4:30 ng hapon nang maharang sa police checkpoint ang 88 kilo ng shabu na isinakay sa kulay abong Mitsubishi Lancer (XTE 453) at kulay itim na Nissan Sentra (ZLV 463) sa Maharlika Highway, Brgy. Buñagan, Gandara.

 Arestado naman ang limang suspek kabilang ang isang buntis na ginang habang nasagip ang isang 14-anyos na batang lalaki sa nasabing drug operation.

 Kinilala ang mga nasakoteng suspek na sina Cesar Uy, Steven Perez, Elbert Abella, Leonard delos Reyes at ang buntis na si Jeralou Laborte.

 Sinabi ni Carlos na matagal nang minomonitor ng mga awtoridad ang mga suspek matapos silang makatanggap ng impormasyon na may shipment ng shabu na idaraan sa lugar patu­ngong Cebu.

 Ang operasyon ay isinagawa ng Regional Drug Enforcement Unit (DEU)-8 na pinamumunuan ni Police Lt. Col Harry Sucayre, kasama ang mga pulis ng Samar Provincial Police Office-DEU, Regional Mobile Force Battalion 8, PDEA 8 at Gandara Municipal Police Station sa pamumuno ni P/Captain Joselito Tabada.

 Sinabi naman ni P/Col. Andre Dizon, Samar Provincial Police Office (PPO) director na ang dalawang behikulong pinagkargahan ng bulto ng droga ay galing sa Calbayog City.

CHECKPOINT DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with