Layunin ng Resolution Number 46-2019 na nagdedeklara ng state of calamity na makapagpalabas ng pondo para matulungan ang Makilala at mamamayan nito na makabangon sa inabot na delubyo bunsod ng malakas na lindol.
AFP/Manman Dejeto
‘State of calamity’ sa lindol, idineklara sa Makilala
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - October 19, 2019 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines — Sa pamamagitan ng isang nilagdaang resolusyon ng Sangguniang Bayan, isinailalim na sa “state of calamity” ang buong bayan ng Makilala, lalawigang ito nitong Huwebes dahil sa matinding pinsalang idinulot ng 6.3 magnidtude na lindol na tumama sa nasabing ba­yan noong Miyerkules.

Layunin ng Resolution Number 46-2019 na nagdedeklara ng state of calamity na makapagpalabas ng pondo para matulungan ang Makilala at mamamayan nito na makabangon sa inabot na delubyo bunsod ng malakas na lindol.

Dahil dito, pinabibilis na ng lokal na pamahalaan ang pagpapalabas ng pondo upang ma­kabili ng mga pangunahing pangangailangan ng mga apektadong pamilya tulad ng mga gamit masisilu­ngan, pagkain, gamot at iba pa.

Sinabi ni Municipal Administrator Sheryl Orbita, umakyat na sa 24 katao ang nasu­gatan dahil sa lindol sa Makilala. Aabot naman sa 63 na kabahayan ang nasira at marami ang hindi na pwedeng matirhan habang 14 na barangay mula sa 38 ang lubhang naapek­tuhan dulot ng pagyanig. Tatlo sa nasabing mga barangay ang una nang nagdeklara ng state of calamity.

Samantala, sinabi ni Tulunan Vice Mayor Maureen Ann Villamor na sa Tulunan na siyang sentro ng pagyanig ay pumalo na sa 569 kabahayan ang napinsala ng lindol, base sa ulat ng Phivolcs.

EARTHQUAKE STATE OF CALAMITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with