Sa ulat, nakatakas si Park Wang Yeol, 41-anyos, matapos itak­da ang muling pagbasa ng sakdal sa kanya sa Branch 64 ng Regional Trial Court ng Tarlac City sa kasong illegal possession of fire arms noong Miyerkules.
File
P.3 milyong reward alok vs pumugang Koreano
Gary Bernardo (Pilipino Star Ngayon) - October 19, 2019 - 12:00am

PAMPANGA, Philippines — Nag-alok kahapon ng hala­gang P300,000.00 pabuya si Pampanga Governor Dennis “Delta” Pineda para sa agarang ikadarakip ng isang Koreano na nakatakas mula sa kanyang limang jailguards habang dumadalo sa pagdinig ng kanyang kaso sa Tarlac mula sa Pampanga Provincial Jail (PPJ).

Sa ulat, nakatakas si Park Wang Yeol, 41-anyos, matapos itak­da ang muling pagbasa ng sakdal sa kanya sa Branch 64 ng Regional Trial Court ng Tarlac City sa kasong illegal possession of fire arms noong Miyerkules.

Ayon kay Atty. Charlie Chua, provincial admi­nistrator ng Pampanga, si Pineda ay magbibigay ng pabuya para sa agarang ikadarakip ni Park na nahaharap din sa kasong pagpatay sa RTC Branch 47 sa San Fernando City.

Ang hakbang ni Pineda ay kasunod ng pagbisita ni Consul Lee Jinsoo ng Embahada ng Korea sa tanggapan ng Pampanga provincial administrator na nakiusap na agarang dakpin si Park at sampahan ng kaso ang mga jailguards na sangkot sa pagtakas nito.

Sa ulat ng pulisya, si Park at ang mga guwardya ay kumain sa isang eatery sa Brgy. San Rafael, Tarlac City matapos na ma-reset ang pagbasa ng sakdal sa una sa RTC Branch 64 ng Tarlac. Sa loob ng karinderia, nagtungo ang limang prison guards sa lamesa at umorder ng pagkain habang dumiretso naman si Park sa comfort room. Ilang saglit lang ay nadiskubreng wala na si Park at nakatakas sa pamamagitan ng pagbukas sa bintana ng CR.

Iniutos na ng gobernador na isailalim sa preventive suspension ang limang jailguards na sina Prison Guard 1 (PG 1) Randy Sibug, PG1 Clarito Mendoza, PG1 Danilo Gonzales, PG1 Danigen Aragon at PG1 Carlo Layag na kasalukuyang hindi pinalalabas sa PPJ habang sila ay iniimbestigahan at  nakatakdang kasuhan ng “infidelity in the custody of prisoner”.

PARK WANG YEOL REWARD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with