Sa ulat, hindi pa matukoy ang nasawing mister na natumbok sa sinasakyang motorsiklo ng rumaragasang Toyota RAV-4 sa Brgy. Sabuanan, Sta Lucia dakong alas-2:30 ng madaling araw kahapon.
File
3 patay, 3 malubha sa motor crash
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - October 19, 2019 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Tatlong rider ang nasawi habang tatlo ang malubha sa magkakahiwalay na aksidente ng motorsiklo sa Sta. Lucia at Vigan City, Ilocos Sur, iniulat kahapon.

Sa ulat, hindi pa matukoy ang nasawing mister na natumbok sa sinasakyang motorsiklo ng rumaragasang Toyota RAV-4 sa Brgy. Sabuanan, Sta Lucia dakong alas-2:30 ng madaling araw kahapon. Nakasuot ng pares na jersey na may tatak na “Amianan Kings” at “Viloria” ang biktima na nasawi habang ginagamot sa Ilocos Sur Provincial Hospital-Gabriela Silang sa Vigan City habang sumuko sa awtoridad ang drayber ng SUV na si Randy Supnet, 41, na taga Abulug,  Cagayan.

Sa Vigan City, namatay si John Bartolome nang dumausdos ang motorsiklo nito matapos banggain sa likuran ni Jessabelle Berbano, 21, habang nagkakarera sa Brgy. Tamang dakong alas-11:30 ng gabi. Kasamang isinugod sa parehong ospital ng dalawang drayber sina Carol Sunshine Sorreda, 21, na angkas ni Bartolome at Neil Patrick Rabara, 21, na kasama ni Berbano.

Kasabay nito, sinalpok din ng motorsiklo ni Rowel Refuerzo ang poste ng kuryente na ikinasawi nito sa Barangay Beddeng Laud. Inaalam sa imbestigasyon kung nasa impluwensiya ng alak ang biktima nang mangyari ang sakuna.

MOTOR ACCIDENT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with