1 pa sa 8 bangkay na itinapon sa bangin, kinilala
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - October 19, 2019 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Kinilala ng mga awtoridad na isang Ifugao ang pinakahuli sa walong nadiskubreng bangkay na itinapon sa bangin sa Sitio Poyopoy, Brgy. Taloy Sur, Tuba, Benguet kamakalawa.

Sinabi ni Tuba Chief of Police Major James Acod na ang bangkay ay nakilalang si Kent Charlie Licyayo, tubong Hingyon, Ifugao. 

Ayon sa mga kaanak at kaibigan, huling nakitang buhay si Lic­yayo nang sunduin ng mga hindi natukoy na lalaki habang kumakain sa isang karinderya sa Baguio City noong Oktubre 8. Bukod dito, huli ring nakitang buhay sa Pinewood Crystal Cave sa Baguio City noong Okt. 8 ang isa pang naunang kinila­lang bangkay na si Fahad Manan Macalanggan na isang Maranaw.

Ayon kay Acod, may mga impormasyon silang natanggap na ang mga pinatay na sina Licyayo at Macalanggan ay magka­kilala. Nakakuha rin ng impormasyon ang pulisya na ang isa sa dalawa ay nasa drugs watchlist. 

Sinabi ni Acod na ang bangkay nina Licyayo at Macalanggan at anim pang ‘di pa nakikilala ay itinapon sa lugar sa iba’t ibang araw base sa anyo ng kanilang pagkaka­agnas.

BANGKAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with