Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang nakaupo ang biktima sa labas ng tahanan ng suspek nang tawagin at papasukin nito sa kanilang bahay ang bata para roon maglaro.
File
7-anyos kinatay ng 15-anyos
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2019 - 12:00am

Pumalag sa rape

MANILA, Philippines — Isang 7-anyos na nene ang nasawi ma­tapos ataduhin ng saksak ng isang 15-anyos na binatilyo makaraang umanong pumalag at manlaban sa tangkang panghahalay ng huli naganap sa Brgy. Cuyab, San Pablo City, Laguna nitong Miyerkules ng hapon.

Dead-on-arrival sa Amante Hospital sanhi ng mga tinamong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang itinago sa pangalang “Mychie”, residente ng Heredia Compound, Brgy. Cuyab, sa naturang lungsod.

Samantalang ang suspek ay itinago naman sa pangalang “Danny”, kapitbahay ng biktima.

Sa report ni Laguna Provincial Police Office (PPO) Director Police Colonel  Eleazar Matta, naganap ang insidente bandang alas-4:00 ng hapon sa Heredia Compound, Brgy. Cuyab ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang nakaupo ang biktima sa labas ng tahanan ng suspek nang tawagin at papasukin nito sa kanilang bahay ang  bata para roon maglaro.

Ilang saglit pa ay bigla na lamang pinagsasaksak umano ng binatilyo ang biktima na hinihinala ng pamilya nito na pinagtangkaan nitong molestiyahin pero nanlaban.

Patuloy naman ang masusing imbestigasyon ng mga otoridad sa kasong ito.

 

CRIME RAPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with