Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:00 ng gabi at binabaybay ng tricycle na walang plate number ang kahabaan ng kalsada na minamaneho ng tatay na si Noli Donor, 43-anyos nang aksidenteng mahulog ang biktima mula sa kanyang kinauupuan sa likuran ng kanyang ama.
File
Totoy hulog sa trike, tepok
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2019 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Isang 12-anyos na totoy ang nasawi matapos mahulog sa tricycle na minamaneho ng kanyang ama sa kahabaan ng highway ng Brgy. Gogon sa bayan ng Prieto Diaz,Sorsogon kamakalawa ng gabi.

Nabasag ang bungo at nagtamo ng matitinding pinsala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Gabriel Domasig Donor, residente ng nasabing barangay.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:00 ng gabi at binabaybay ng tricycle na walang plate number ang kahabaan ng kalsada na minamaneho ng tatay na si Noli Donor, 43-anyos nang aksidenteng mahulog ang biktima mula sa kanyang kinauupuan sa likuran ng kanyang ama.

Pumalo umano ang ulo ng bata sa sementadong kalsada at gumulong pa ito ng ilang metro. Agad siyang isinugod ng tatay sa pagamutan ngunit ‘di na umabot nang buhay.

MAHULOG SA TRICYCLE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with