Ayon kay P/Cpl. Louie Macasu, imbestigador ng Solano PNP binabagtas ng dalawang sasakyan ang kahabaan ng national higway sa magkasalungat na direksyon nang biglang umagaw sa linya ang pick-up na minamaneho ni Tolentino na naging dahilan para sumalpok sa kasalubong na sasakyan na minamaneho naman ni Longgat, dakong alas-2:20 ng madaling araw.
File
Van vs pick-up: 1 patay, 4 sugatan
Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2019 - 12:00am

SANTIAGO CITY, Isabela , Philippines — Isa ang nasawi habang apat na iba pa ang nasugatan matapos magsalpukan ang dalawang sasakyan sa national highway ng Brgy. Bascaran, Solano, Nueva Vizcaya, kamakalawa.

Kinilala ng Solano PNP ang nasawing biktima na si William Tolentino, 59, residente ng Brgy. Centro Sur, Gattaran, Cagayan at driver ng Nissan Frontier na pick up (GLV650), habang sugatan naman ang mag-asawang sakay nito na sina Avelina, 58, at Franklin Tagupa, 64, na kapwa residente rin ng Gattaran, Cagayan.

Sugatan din sina Wincy Longgat, 26, residente ng Brgy. Buenavista, Angadanan, Isabela, driver naman ng Hyundai H-100 kabilang ang sakay nito na si Freddieson Ancheta, 31 na residente naman ng Echague, Isabela. 

Ayon kay P/Cpl. Louie Macasu, imbestigador ng Solano PNP binabagtas ng dalawang sasakyan ang kahabaan ng national higway sa magkasalungat na direksyon nang biglang umagaw sa linya ang pick-up na minamaneho ni Tolentino na naging dahilan para sumalpok sa kasalubong na sasakyan na minamaneho naman ni Longgat, dakong alas-2:20 ng madaling araw.

Mabilis naman na naisugod sa pinakamalapit na pagamutan ang mga biktima subalit idineklarang dead-on-arrival si Tolentino habang pinutulan naman ng paa si Longgat. Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang insidente.

WILLIAM TOLENTINO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with