Mag-utol na ‘tulak’ dedo sa barilan
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2019 - 12:00am

LUCENA CITY, Philippines — Bulagta ang mag-utol na sinasabing kilabot na ‘tulak’ ng droga matapos manlaban at makipagpalitan ng putok sa mga otoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Purok Maligaya, Barangay Ibabang Iyam, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni P/Lt.Col.Reydante Ariza, chief of police dito, nakilala ang mga napatay na sina Jerry, 36, may asawa at kapatid nitong si Benjie Taburdan, 29, binata; pawang mga magsasaka at residente sa nabanggit na barangay.

Batay sa imbestigasyon, dakong alas-8:30 ng gabi nang isagawa ng mga pulis ang buy-bust operation makaraang magpositibo ang ulat ng Community Mobilization Program (CMP) ng barangay tungkol sa talamak na gawain ng magkapatid.

Bumunot umano ng cal .38 revolver si Benjie at nagpaputok nang aarestuhin na matapos na mabilhan ng pulis na tumayong buyer ng 0.30 gramo ng shabu.

Binaril din umano ni Jerry ng kanyang kalibre .38 ang mga otoridad na nagresulta ng kanyang pagkamatay.

ILLEGAL NA DROGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with