^

Probinsiya

Guro nakaligtas sa ambush

Janvic Mateo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang elementary school teacher ang nasugatan at nasa malubhang ka­lagayan makaraang barilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek habang isinasagawa ang flag raising ceremony sa kanilang eskuwelahan sa Bukidnon kamakalawa.

Nakilala ang biktima na si Zhaydee Cabañeles, 32, guro ng Dalit Elementary School sa Valencia City naturang lalawigan.

Sinabi ng Alliance of Concerned Teachers na nagtamo si Cabañelez ng tama ng bala ng baril sa kanyang dibdib at paa makaraang barilin ng apat na maskaradong lalake sa harap ng mga testigo at ng kanyang mga estudyante.

Nabatid na si Cabañelez ay aktibong kasapi ng ACT at outstanding teacher awardee ng kanyang barangay at nanga­ngampanya para sa pagsusulong ng mga kapa­kanan ng mga guro.

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with