Parak naputukan ng sariling armas, dedo
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - October 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naliligo sa sariling dugo at wala nang buhay ang isang pulis nang madatnan ng kanyang mga kabaro matapos na aksidenteng maputukan siya ng armas na inilagay niya sa kanyang dibdib habang natutulog sa isang duyan sa compound ng Kiblawan Police Station sa bayan ng Kiblawan, Davao del Sur kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Police Master Sergeant Brigham Wayner Pascual, 41, ng Purok Lomboy, Lapu-Lapu Extension sa lungsod ng Digos at nakadestino sa Kiblawan Police Station.

Ayon kay Police Captain James Carumba, hepe ng Kiblawan Police Station, nakahiga ang biktima sa duyan na nasa likod ng kanilang istasyon nang bigla na lang umalingawngaw ang putok ng armas.

Agad namang rumesponde ang mga kasamahan ng biktima at nadatnan na lamang na wala nang buhay si Pascual at naliligo na sa kanyang sariling dugo.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na pumutok ang lumang M-16 armalite rifle na nakapatong sa dibdib ng biktima habang nasa duyan.

Hindi umano naka-safety ang naturang armas kaya agad na pumutok at tumagos sa ulo ng biktima na sanhi ng kanyang pagkamatay.

Naniniwala ang mga awtoridad na aksidenteng nakalabit ng biktima ang kanyang armas habang naidlip dahil mula alas-2:00 hanggang alas-4:00 ng madaling araw ang duty nito.

BRIGHAM WAYNER PASCUAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with