Water level sa mga dam bumaba
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - October 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa hindi nararanasang malakas na ulan, buma­ba muli ang water level sa mga pangunahing dam sa ating bansa

Kahapon, batay sa latest monitoring ng PagAsa dam monitoring department, ang Angat dam na nagsusuplay ng 90 percent ng tubig sa Metro Manila ay nakapagtala ng 187.53 meters ng water level kahapon ng umaga, mas mababa sa 187.92 meters noong martes.

Ang Ipo dam ay nagtala ng 100.76 meters ng water level mula sa dating 100.90 meters, La Mesa dam- 77.87 meters kahapon mula sa 77.90 meters nitong martes, Ambuklaw dam-750.05 meters mula sa dating 750.44 meters.

Gayundin bumaba ang water level sa Binga dam na nakapagtala ng 572.39 meters kahapon mula sa 573.04 meters , Magat dam- 187.92 meters mula sa 188.15 meters at sa Caliraya dam ay nakapagtala ng 287.06 meters ng water level kahapon mula sa 287.31 meters nitong martes. Ayon sa PagAsa, kung magdadala ng malakas na mga pag ulan ang bagyong Perla ay may malaki itong tulong para tumaas muli ang water level sa naturang mga dam.

ANGAT DAM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with