North Cotabato niyanig ng 6.3 magnitude na lindol
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - October 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Niyanig ng malakas na lindol na may magnitude-6.3 ang North Cotabato alas 7:37 kagabi .

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang sentro ng pagyanig ay naitala sa may 022 kilometro ng timog silangan ng bayan ng Tulunan sa North Cotabato.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang ugat ng pagyanig at may 015 kilometro ang lalim ng lupa ng paglindol.

Ayon kay Phivolcs director Renato Solidum, itinutu­ring na “moderately strong” ang naturang lindol.

Bunga nito, naramdaman ang pagyanig sa lakas na Intensity VII - Kidapawan City;
Intensity V - Tupi, South Cotabato; Alabel, Sarangani, Intensity IV - Kiamba, Sarangani; T’Boli, South Cotabato; General Santos City, Intensity III - Cagayan de Oro City; Gingoog City, Misamis Oriental; Intensity II - Cagayan de Oro, Misamis Oriental at 
Intensity I - Dipolog City; Bislig City

Wala pang ulat ng damage kaugnay ng naganap na pagyanig pero inaasahan na ang pagkakaroon ng aftershocks.

LINDOL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with