^

Probinsiya

Retiradong parak itinumba

Rhoderic Beñes - Pilipino Star Ngayon
Retiradong parak  itinumba

MANILA, Philippines — Pinabulagta ng riding-in-tandem suspek ang isang da­ting miyembro ng Philippine National Police (PNP) matapos na pagbabarilin habang nagpapakain ng kanyang alagang aso sa kanilang bahay sa Molave Street, Luna Extension, Digos City, Davao del Sur kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Retired Police Officer 3 Ronnie Iligan na namatay noon din dahil sa mga tinamong maraming tama ng bala mula sa kalibre .45 na pistola. Ayon kay P/Lt. Col. Ernesto Castillo, hepe ng Digos City Police Office (DCPO), dalawang suspek na nakasakay ng motorsiklo ang nasa likod ng pamamaril pasado alas-6:00 ng gabi nitong Lunes.

Aminado si Castillo na mabuting tao si Iligan kaya walang dahilan para pasla­ngin ito matapos na naging kasama ng huli ang biktima sa Philippine Constabulary noon at nagtitinda lamang ito ng gulay sa pamilihang bayan ng lungsod matapos itong magretiro. Sinabi ni Castillo na nagsasagawa na sila ng malalimang imbestigas­yon upang makilala ang mga salarin. 

vuukle comment

PULIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with