^

Probinsiya

Tserman, 2 kaanak na sangkot sa holdap tiklo sa armas at pampasabog

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Tserman, 2 kaanak na sangkot sa holdap tiklo sa armas at pampasabog

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines  — Nadakip ang isang barangay chairman at dalawa niyang kaanak na kasama niya umano sa notoryus na robbery-holdup group matapos masamsaman ng mga baril at pasabog sa kanilang teritoryo sa Brgy. Alicia, Aglipay, Quirino noong Lunes.

Kinilala ni Captain William Agpalza, hepe ng Aglipay Police ang mga nasakote na sina Kapitan Nestor Dulnuan 52, pinsan nitong si Herminio Dulnuan, 58, at ang huli ay si Marlon Dulnuan, 25.

Nasamsam sa kanilang pag-iingat ang tatlong cal.38 revolvers, dalawang granada at sari-saring mga bala.

Ayon kay Agpalza, sangkot ang mga nadakip sa panghoholdap ng mga biyahero ng produktong saging at convoy ng mga small scale miners sa Quirino at Nueva Viscaya.

Inaalam ng pulisya kung may kinalaman ang grupo ng tserman sa pagholdap at pagpatay sa isang minerong naglako ng ginto sa kalapit bayan ng Cordon, Isabela noong Hulyo.

vuukle comment

HOLDAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with