Ayon sa ulat ng Amulung Police, isang residente ang nagbigay-alam sa kanilang himpilan kaugnay sa natagpuang bangkay ng dalagita na itinago sa pangalang “Jean” habang nakatali sa isang punong­kahoy at walang saplot pang-ibaba.
File
14-anyos itinali sa puno, ni-rape at binigti
Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - October 16, 2019 - 12:00am

SANTIAGO CITY, Isabela – Isang 14-anyos na dalagita ang nasawi matapos itali sa isang puno at gahasain saka binigti ng ‘di kilalang mga suspek sa isang taniman ng mais sa bayan ng Amulung, Cagayan, kamakalawa ng umaga.

Ayon sa ulat ng Amulung Police, isang residente ang nagbigay-alam sa kanilang himpilan kaugnay sa natagpuang bangkay ng dalagita na itinago sa pangalang “Jean” habang nakatali sa isang punong­kahoy at walang saplot pang-ibaba.

Nakita ng mga nag­respondeng pulis ang dalagita habang nakatali ang leeg at  dalawang kamay nito patalikod gamit ang tali ng kalabaw sa isang maliit na puno sa taniman ng mais sa nasabing lugar.

Dakong alas-8:30 ng gabi nang huling makita ang biktima sa kanilang taha­nan kung saan ang pag-aakala ng mga magulang ay nakitulog lamang siya sa bahay ng kanyang lola na madalas niyang ginagawa.

Gayunman, nabahala ang mga magulang matapos mapag-alaman na wala sa lola ang biktima hanggang sa matagpuan na lang ang bangkay nito sa gitna ng maisan.

Base sa pagsusuri sa bangkay, lumalabas na positibong ginahasa ang biktima ng hindi pa natutukoy na mga salarin at naka­kitaan ng palatandaan na binigti ito gamit ang isang tali saka iniwan na nakatali sa puno.

Nabatid na malayo sa kabahayan ang lugar kung saan isinagawa ang krimen kung kaya’t walang nakakaalam at nakakita sa pangyayari.

RAPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with