Sa report ng pulisya, wa­lang kamalay-malay ang biktimang itinago sa pa-ngalang Remy na parang bulkang nag-iinit sa pagnanasa ang Arabong si Mohammed Noreldune Ahmed Osman, 26, at Verniteo Alfonso Rieza alyas “Noynoy” habang tinatagayan nila ng alak kasama ang iba pang mga kaibigan sa magdamagang laklakan sa inuupahang bahay ng dayuhan.
File
Stude ni-rape habang bini-video ng Arabo at Pinoy
Raymund Catindig, Artemio Dumlao (Pilipino Star Ngayon) - October 15, 2019 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan Phillipines — Sinampahan ng kasong rape at pag­labag sa Anti-Photo and Video Voyeurism Act ang dalawang estudyante na kinabibilangan ng isang Saudi Arabian national at isang Pinoy na umano’y ha­linhinang gumahasa sa isang dalagang kap­­­wa estudyante na kinunan pa ng video matapos nilang la­singin sa isinagawang party sa Ambiong, Baguio City, Linggo ng madaling araw.

Sa report ng pulisya, wa­lang kamalay-malay ang biktimang itinago sa pa-ngalang Remy na parang bulkang nag-iinit sa pagnanasa ang Arabong si Mohammed Noreldune Ahmed Osman, 26, at Verniteo Alfonso Rieza alyas “Noynoy” habang tinatagayan nila ng alak kasama ang iba pang mga kaibigan sa magdamagang laklakan sa inuupahang bahay ng dayuhan.

Nagbunga ang matiyagang paghihintay ng dalawang suspek nang kanilang malasing si Remy hanggang sa humiga sa isang kuwarto ng nirerentahang bahay ni Osman dakong alas-4:00 ng madaling araw kamakalawa.

Nabatid na nag-unahan pang sinundan ng Arabo at ni Noynoy ang biktima sa kama kung saan nila ito sinisid at kinunan pa ng video habang ginagahasa.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na inimbitahan ng mga suspek si Remy kasama ang kanyang mga lalaking kaibigan sa party sa bahay ni Osman.

Sa pahayag ng mga kaibigan ni Remy na sina Carlo Cuarteron at Joseph dela Cruz, pinasok nina Osman at Rieza ang noon ay lasing na lasing na biktima sa kuwarto saka ginahasa ng dalawa.

Nabatid na naghihilik pa umano si Remy nang damputin ng mga nagrespondeng pulis ang dalawang suspek matapos ireport ng dalawang nabanggit na kaibigan ng biktima ang nangyaring krimen.

RAPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with