Away sa lupa: 1 utas, 2 sugatan
Jorge Hallare, Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2019 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Patay ang isang mister habang dalawa ang sugatan matapos ang pamamaril at pananaksak sa pagitan ng mga suspek at biktima makaraang magtalo dahil sa awayan sa lupa habang nag-iinuman sa Brgy. Tabion, Del Gallego, Camarines Sur kamakalawa.

Dead-on-the-spot dahil sa malalim na saksak sa katawan si Romeo Laureciano habang isinugod sa Bicol Medical Center sa Naga City sina Jayson Decena Dalma at Ricardo Adaque Valera. Sa ulat, dakong alas-2 ng madaling araw, nag-iinuman ang tatlo nang maungkat ang away sa kanilang mga lupa dahilan ng pagtatalo nina Laureciano at Dalma.

Bumunot ng kalibre .38 baril si Laureciano at pinutukan sa dibdib si Dalma. Gayunman, kahit sugatan ay nagawang bumunot ng patalim si Dalma at sinaksak si Laureciano na agad nasawi. Nasugatan din si Valera habang pilit na inaawat ang dalawa.

ROMEO LAURECIANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with