Kinilala ang nasawi na si Joey Habbiling ng Brgy. Runruno, Quezon habang inoobserbahan sa ospital sina John Paul Bumanghat at Eric Tomas, 36, pawang ng Brgy. Runruno, Quezon.
File
Motorbike salpok sa poste: Minero dedo, 2 pa grabe
Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2019 - 12:00am

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Isang minero ang na­sa­wi habang dalawang kasamahan nito ang kritikal matapos na sumalpok ang kanilang sinasakyang motorsiklo na kulong-kulong sa isang konkretong poste sa  kahabaan ng highway sa Brgy. Bagahabag, Solano, Nueva Vizcaya, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Joey Habbiling ng Brgy. Runruno, Quezon habang inoobserbahan sa ospital sina John Paul Bumanghat at Eric Tomas, 36, pawang ng Brgy. Runruno, Quezon.

Sa ulat, galing ang mga biktima sa Solano at patungo sana sa Quezon sakay ng kulong-kulong na minamaneho ni Tomas dakong alas11:55 ng gabi nang bigla umanong mawalan ng kontrol sa manibela ang huli pagsapit nila sa pakurbadang bahagi ng daan sanhi para sumalpok sila sa isang konkretong poste sa gilid ng highway.

Dahil dito, tumilapon si Habbiling mula sa kulong-kolong at tumama ang ulo nito sa sementadong kalsada na kanyang ikinamatay. Napag-alaman na nakainom umano ng alak ang mga biktima at mabilis ang patakbo ng driver nang maganap ang insidente.

 

MOTOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with