Sinubukan pang dalhin sa Sorsogon Provincial Hospital pero idineklarang patay dahil sa tama ng mga punglo sa katawan ang driver na si Wilfredo Docog ng Brgy. Salog, Sorsogon.
BusinessWorld
Trike driver nanutok ng parak, todas
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2019 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Bulagta ang isang 38-anyos na tricycle driver matapos mabaril ng pulis na bigla niyang tinutukan umano ng baril sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Suculan sa Sorsogon City, Sorsogon kamakalawa ng madaling araw.

Sinubukan pang dalhin sa Sorsogon Provincial Hospital pero idineklarang patay dahil sa tama ng mga punglo sa katawan ang driver na si Wilfredo Docog ng Brgy. Salog, Sorsogon.

Nasa kustodya na ng Sorsogon Police ang naka­baril na pulis na si Cpl. Norman Mark Mabal Espaldon, miyembro ng 1st Provincial Mobile Force Company.

Sa ulat, dakong alas-12:45 ng madaling araw, lulan ng kanyang tricycle nang madaanan ni Docog si Cpl. Espaldon sa tabi ng kalsada kaya bigla siyang tumigil at sa hindi pa malamang dahilan ay kinompronta nito ang naturang pulis. Bigla umanong bumunot ng baril ang suspek saka tinutukan ang pulis dahilan para mag-agawan sila sa nasabing armas. Nagawa naman umanong bumunot ng kanyang service firearm si Espaldon at ilang ulit niyang pinutukan sa katawan ang suspek na agad nasawi sa lugar. ()

DRIVER PULIS TRIKE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with