Hawak na ng pulisya ang driver ng Isuzu Rebuilt Mini Bus (DXN-641) na si Julio Nicolas, 62, ng Gonzales St. Sta Cruz, Cavite City. Sa ulat ng Kawit Police, bumabagtas ang motorsiklo sa highway nang salpukin ng mini bus na kasalubong nito. Sa lakas ng banggaan, tumilapon ang motorsiklo habang sumadsad ang mini bus dahilan ng pagkasugat ng mga biktima.
Boy Santos
Mini bus vs motor: 10 sugatan
Cristina Go-Timbang (Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2019 - 12:00am

CAVITE, Philippines — Nasa 10 katao ang nasugatan kabilang ang tatlong menor-de-edad matapos na magsalpukan ang isang motorsiklo at isang mini passenger bus sa Kawit, lalawigang ito kamakalawa.

Kinilala ang mga nasugatan na sina Sheila May Tenedero, 24; driver ng Mio motorcycle at backrider nitong menor-de-edad na si alias Criselle; ang mga pa­sahero ng mini bus na sina Ian Ridgely, 37; misis nitong si Rosemarie, 44; isang batang itinago sa pangalang Aian; Jericho Purificacion, 27; alyas Aiyesha, menor de edad; Raquel Moldes, 20; Rachel Dela Cruz, 20, at Charisse Dela Cruz, 33.

Hawak na ng pulisya ang driver ng Isuzu Rebuilt Mini Bus (DXN-641) na si Julio Nicolas, 62, ng Gonzales St. Sta Cruz, Cavite City. Sa ulat ng Kawit Police, bumabagtas ang motorsiklo sa highway nang salpukin ng mini bus na kasalubong nito. Sa lakas ng banggaan, tumilapon ang motorsiklo habang sumadsad ang mini bus dahilan ng pagkasugat ng mga biktima.

BUS MOTOR PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with