Bebot, kasamang kelot ginapos, inutas sa Lotto outlet
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - October 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Natagpuang wala nang buhay ang isang babae at kasama nitong lalaki na kapwa nakagapos at itinapon sa loob ng isang PCSO lotto and STL outlet sa Purok Maharlika Alabel, Sarangani Province, iniulat kahapon.

Ayon kay P/Major Rey Salgado, hepe ng Alabel Police Station, kasalukuyan pa nilang inaalam ang pagkakakilanlan ng dalawang natagpuang patay sa Purok Maharlika.

Una rito, itinawag sa himpilan ng pulisya alas-7:00 kahapon ng umaga ang nadiskubreng bangkay na hinihinalang biktima ng summary execution sa loob ng Lotto at STL outlet.

Sa pagresponde ng pulisya, kanilang natuklasan na isang babae at lalaki ang biktima na kapwa nakagapos ang mga kamay at mayroon pang karatula kung saan nakasulat ang mga katagang “Drug pu­sher kami, huwag tularan, layas sa Region 12.”

Ang babae ay nakasuot ng checkered na polo na may puting t-shirt sa loob, nakapantalon at tinabunan pa ang buong mukha ng packaging tape. Nakuha mula sa kanya ang isang student permit na may pangalang Alona Aleman Pasilan na taga Liwayway Bo.1 Banga, South Cotabato. Samantala, ang lalaki naman ay nakasuot ng blue na t-shirt at jacket na walang ID.

Inaalam pa kung may kaugnayan sa bentahan ng droga ang motibo sa pamamaslang sa dalawang biktima. 

KRIMEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with