Graduating stude, 1 pa dedo sa salpukan ng 2 motorbike
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - October 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang graduating student na babae at isang binata habang sugatan ang tatlong iba pa makaraan ang salpukan ng dalawang motorsiklo sa panulukan ng Burgos Street at Roxas Avenue sa Brgy. Poblacion, Tacurong City noong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Perce delos Reyes Cabagay, 18-anyos, dalaga, estudyante ng Tacurong City National High School na nagsilbing driver ng Kawasaki CT 100 (MA 834) at driver ng nakabanggaang Honda XRM 125 na si Michael Santos Paulino, 23-anyos, binata, ng Block 2, Abeto Subdivision, Brgy. Buenaflor, Tacurong city

Sugatang sina Elven John Navarro Cabagay, 16, at Verna delos Reyes Pedroso, 18, estudyante; pawang ng Purok 5, Brgy. Tinaungan, President Quirino, Sultan Kudarat na mga angkas ni Cabagay at ang angkas ni Paulino na si Wilfred Quimsing Gregorios Jr., 20, binata, ng Brgy. Tual President Quirino.

Sa ulat ng Tacurong City Police Traffic Section, ala-1:00 ng hapon habang binabagtas ng mga biktima ang magkaibang direksyon nang pagdating sa nasabing lugar ay aksidenteng nabangga sa tagiliran ng XRM na minamaneho ni Paulino ang Kawasaki CT100 ni Perce dahilan para tumilapon ang lahat ng mga sakay nito sa gilid ng daan.

 Agad na rumesponde ang rescue team ng Tacurong City Fire Department at isinugod ang mga biktima sa magkaibang pagamutan. Gayunman, makalipas ang ilang oras ay idineklarang patay sina Cabagay at Paulino. 

ROAD ACCIDENT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with