2 ‘drug trafficker’ timbog sa buy-bust
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - October 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Arestado ang dalawang hinihinalang bigtime drug trafficker matapos silang masamsaman ng nasa P1.2 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Bacolod City, Negros Occidental kamakalawa.

Kinilala ang mga suspek na sina Clint Agsam alyas “Bukay”, 37-anyos at Paulo Bersuela alyas “Pawpaw”, 27-anyos.

Sa report ni P/Brig. Gen. Rene Pamuspusan, director ng Western Visayas  Police, dakong alas-11 ng umaga nang magsagawa ng operasyon ang Bacolod City Police sa Brgy. 6 ng lungsod.

  Bago ito, nakatanggap ng impormasyon ang Drug Enforcement Unit  at Intelligence Section ng Bacolod City Police hinggil sa talamak na pagtutulak ng droga ng dalawang suspek.

 Ang mga suspek ay inaresto sa aktong iniaabot ang isang sachet ng shabu sa poseur buyer ng pulisya. 

Nakuha rin sa sling bag ng mga suspek ang 29 plastic sachet ng shabu na nasa 100 gramo at umaabot sa P1.2- milyon ang halaga.

 Nakapiit na sa Bacolod City Police Station 2 ang dalawang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article II, Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

DRUG TRAFFICKER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with