Batay sa imbestigasyon ng pulisya, patungo sa Bicol Region ang nasabing trak na kargado ng mga saku-sakong bigas.
File
Trak sumalpok sa puno: 1 todas, 3 kritikal
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - October 12, 2019 - 12:00am

ATIMONAN, Quezon, Philippines — Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang isang pahinante habang malubhang nasugatan ang tatlong iba pa maka­raang bumangga ang kanilang sinasakyang delivery truck sa puno ng Narra sa gilid ng Natio­nal highway sakop ng Barangay Sta. Catalina, sa bayang ito kamakalawa ng umaga.

Nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan si Jerry Comoseno,35, samantalang patuloy na nilalapatan ng lunas sa Doña Martha General Hospital ang driver ng Fuso truck (AAB-3602) na si Zoren Buenaventura, 23, isa pang pahinante na si Roberto Eglobo, 24, at manager nilang si Francisca Dyico, 60, pawang mga residente ng Gapan, Nueva Ecija.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, patungo sa Bicol Region ang nasabing trak na kargado ng mga saku-sakong bigas. Pagsapit sa kurbadang bahagi ng kalye ay nawalan ng kontrol sa manibela ang driver nito na naging sanhi upang magpagewang-gewang hanggang sa tuluyang bumangga sa puno dakong alas-6:30 ng umaga.

OSPITAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with