Ang EDSA at ang SLEX
ORA MISMO - Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - October 11, 2019 - 12:00am

Dapat magkaroon ng mabilis na solusyon ang gobierno para sa katiwasayan ng transportation crisis dahil  sa nangyaring suspension ng Light Rail Transit 2 operation at ang ongoing repair sa South Luzon Expressway.

Dahil sa mga hindi sinasadyang pangyayaring ito naperwisyo ang madlang public at lalong lumala ang trapik!

Ang kailangan ay pag-isipan ng mga bright sa pamahalaan kasama ang mga stakeholders sa transportation sector upang malutas ang malalang problema na nararanasan ng madlang people sa Metro Manila at karatig pook.

Lalong lumala ang traffic at lumawak pa ito dahil sa pagsara ng ilang bahagi ng northbound sa SLEX kaya tuloy umiiyak na sa sama ng loob ang madlang public dahil sa grabeng nararanasan nila.

Sabi nga, Lord help us!

Dahil dito late ang ilang mga students going to schools at siguradong bawas sahod naman sa mga workers.

Tama ba?

Ang suspension ng LRT2 ay malamang tumagal ng 9 months para magawa ang Santolan-Anonas segment,  apektado rito ang 200,000 passengers daily. 

Ano ang dapat gawin?

‘Yan kayo ang bahalang mag-isip?

Dapat din pagtuunan ng pansin ang “carmageddon” sa SLEX dahil sa on-going Skyway construction kaya isinara ang ilang bahagi ng highway at inaasahang matatapos sa 2020.

Kaya kailangang hanapan na ito ng solusyon.  Abangan!

SOUTH LUZON EXPRESSWAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with