Ayon sa ulat, nagpanggap umanong bibili ng sigarilyo ang suspek bago pinagba­baril ang biktima pasado alas-6:00 ng umaga.
FILE
Ex-kagawad, lady trader nilikida
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - October 11, 2019 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines — Patay ang isang dating kagawad ng barangay at isang babaeng negosyante nang pagbabarilin ng ‘di pa nakikilalang mga suspek sa bayan ng Matalam at Antipas, sa lalawigang ito, nitong Miyerkules.

Unang napatay ang babaeng negosyante na si Marissa Bautista, 46, residente ng Brgy. Poblacion, sa bayan ng Matalam.

Ayon sa ulat, nagpanggap umanong bibili ng sigarilyo ang suspek bago pinagba­baril ang biktima pasado alas-6:00 ng umaga.

Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan si Bautista sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, patay din ang dating kagawad ng barangay matapos pagbabarilin sa Purok 2 Santan, Barangay Malangag, Antipas, Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Nemisio Alave Castor, 65, nakatira sa nasabing lugar.

Ayon sa report, dakong  alas-8:15 ng gabi habang naka-upo lang ang biktima sa kanilang terasa nang biglang dumating ang suspek na nakasuot ng kulay itim na jacket at naka-face mask, at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima.

Naisugod pa ang biktima sa Antipas Medical Specialist pero idineklara itong dead-on-arrival ng mga doktor.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa naturang kaso.

KAGAWAD PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with