^

Probinsiya

Mangingisda nilapa ng buwaya!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Isang 20-anyos na ma-ngingisda ang patay matapos na sakmalin at tangayin ng buwaya sa ilog sa Balabac, Palawan nitong Martes ng gabi.

Kinilala ni P/Lt. Col. So­crates Faltado, spokesman ng Mimaropa Police ang biktima na si Junick Husin, residente ng Sitio Caguisan, Brgy. Salang, Balabac ng lalawigan.

Bandang alas-7:30 ng gabi nang mangyari ang insidente sa Sitio Cagui-san, Brgy. Salang, Balabac, Palawan sa ilog na may mga bakawan ang dulo at karugtong ng dagat.

Kasalukuyan umanong pauwi ang biktima lulan ng bangka galing sa pangingisda kasama ang kaibigan nitong si Edgar Legazpi, 32, nang biglang umatake ang mala-king buwaya at sinakmal ang una.

 Pagkasakmal sa biktima, mabilis siyang tinangay ng buwaya sa kailaliman ng tubig kung saan sa matinding sindak ay nagawa namang makaalis sa lugar ng kasama nito na agad na humingi ng tulong sa kanilang mga ka-barangay.

Sinundan ng mga residente ang buwaya at nakitang sakmal-sakmal pa nito ang biktima kaya pinagtulungan nilang patayin.

BUWAYA

MANGINGISDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with