2 senior high studes, patay sa aksidente
Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - October 10, 2019 - 12:00am

GAPAN CITY, Nueva Ecija , Philippines — Kapwa nasawi ang dalawang senior high school students na lango umano sa alak matapos na bumangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa bakal na poste sa gilid ng kalsada at mahulog sa taniman ng palay sa kahabaan ng Gapan-General Tinio Road, sakop ng Purok 5, Brgy. Pambuan dito, noong Martes ng gabi.

Kinilala ni P/Lt. Col. Criselda de Guzman, hepe ng Gapan City Police, ang namatay na mga biktima na sina Vincent Cabrera, 18, at Jaspher Balitayo, 17.

Ayon sa pulisya, bandang alas-10:30 ng gabi nang mawalan umano ng kontrol sa kanyang minamanehong motorsiklong Mio Sporty (may plakang 183-IJ) si Cabrera na umano’y la-sing sa alak kaya sumalpok sila sa posteng bakal at tuluy-tuloy na nahulog sa taniman ng palay. Matulin umano ang takbo ng dalawa na patungo sa direk­syong timog at pauwi na sa kanilang tirahan.

 Wasak na wasak sa aksidente ang motorsiklong sinakyan ng dalawa na nakarehistro sa isang Ferdinand Antonio Maclang ng Malolos, Bulacan.

SENIOR HIGH SCHOOL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with