Umbagerong mister pinaaresto ng misis, nag-suicide!

Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - October 7, 2019 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Patay na habang nakabigti nang datnan ng kanyang misis at mga rumes­pondeng pulis ang isang 36-anyos na mister na inire­reklamo ng pambubugbog matapos mag-away ang mag-asawa sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Pamayang, Brgy. Capilihan, Virac, Catanduanes kamakalawa ng madaling araw.

Sinubukan pang isugod ng mga pulis sa Eastern Bicol Medical Center pero idineklarang patay ang biktimang si William Vargas Camano, isang mekaniko.

Nauna rito, dakong ala-1:45 ng madaling araw sa hindi pa malamang dahilan ay nag-away ang mag-asawang William at misis na itinago sa pangalang “Teresa” hanggang sa masaktan ng lalaki ang babae.

Dahil sa pambubugbog, agad na pumunta ng Virac Police Station si Teresa upang ireklamo ng pananakit at ipahuli ang kanyang mister. Gayunman, nang dumating ang misis kasama ang mga pulis sa kanilang bahay ay nagulat sila dahil naabutang nakabigti na ang mister gamit ang lubid na nylon na itinali sa kisame ng kanilang bahay.

SUICIDE
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with