_ngayon
^

Kasapi ng bgy. defense inutas

Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - October 3, 2019 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Bulagta ang isang 46-anyos na kasapi ng barangay defense system (BDS) matapos na pagbabarilin ng hindi nakilalang gunman sa Sitio Monreal, Brgy. Del Rosario, Jovellar, Albay kamakalawa. Kinilala ang biktima na si Joven Morga Lovendino, residente ng Purok-4, Brgy. Catamlangan, Pilar, Sorsogon. Sa ulat, alas-2:45 ng hapon nang biglang makarinig ang mga residente ng mga putok ng baril kaya agad nilang ipinarating sa kanilang barangay chairman na si Eddie Vibar. Nang kanilang puntahan ang lugar, natagpuang nakabulagta ang biktima at hindi na nila inabutan ang bumaril. Nakita sa dibdib ng biktima ang anim na bala ng kalibre 38 baril at isang basyo ng bala ng ‘di pa mabatid na kalibre ng baril. Nakilala si Lovendino dahil sa nakuhang mga ID sa bulsa ng shorts nito kabilang ang BDS ID na inisyu ng munisipyo ng Pilar at 9th Infantry Division ng Philippine Army. Iniimbestigahan ng pulisya kung paano nakarating sa nasabing lugar ang biktima at bakit siya pinaslang.

 

DEFENSE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with