Bomber ng ISIS natimbog
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - October 1, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naaresto ng pinagsanib na elemento ng pulisya at militar ang isang umano’y notoryus na terrorist bomb maker sa isinagawang operasyon sa Brgy. 4, Batangas City, ayon sa opisyal kahapon.

Kinilala ni Lt. Col. Dennis Cana, spokesman ng AFP-Southern Luzon Command ang nasakoteng terorista na si Jafar Dia Abdul Nazer na gumagamit ng mga alyas na Muhajir, Muhasjir at Diya at umano’y miyembro ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) na Daawlah Islamiyah Lanao/Maute Group.

Si Nazer ay kilalang kaalyado umano ni Abu Zacaria na kasalukuyang Amir ng nalalabi pang mga Dawlah Islamiya-Maute Group.

Ayon naman kay Lt. Gen.Gilbert Gapay, commander ng AFP Solcom, napigilan ang paghahasik ng terorismo ni Naser matapos siyang maaresto.

Bandang alas-7 ng gabi noong Biyernes nang masakote si Naser sa Escalona Compound, Brgy. 4, Batangas.

“According to intelligence reports, the suspect has been in hiding at Batangas City since June 2019 and has been the subject of continuing intelligence operations,” anang opisyal.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9516 (Illegal Possession of explosives) sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Regional Trial Court (RTC) Branch 84, 4th Judicial Region ng Batangas City. Nakumpiska sa kanya ang isang M67 fragmentation hand grenade at sari-saring TNT explosives.

Isinailalim na sa kustodya ng Police Regional Office (PRO) IV A ang suspek na patuloy na isinasailalim sa masusing tactical interrogation.

ISIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with