Bebot nag-suicide

Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - September 29, 2019 - 12:00am

PEÑARANDA, Nueva Ecija, Philippines —  Isang 49-anyos na babae na sinasabing may sakit sa pag-iisip ang nagbigti sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Sto. Tomas sa bayang ito noong Biyernes ng hapon.

 Kinilala ang nagpakamatay na si Elsa Dayao, 49, dalaga, isang seller ng beauty products. Ayon sa Peñaranda Police, bandang alas-3:45 ng hapon nang matagpuan ni Evelyn Dayao, 43, nakababatang kapatid ng biktima ang kanyang ate Elsa na nakabitin sa kahoy na biga ng kisame ng kanilang bahay.  

Agad na humingi ng tulong si Evelyn sa mga kaanak at kapitbahay at unti-unting naibaba ang  biktima na gumamit ng puting kumot sa kanyang pagpapakamatay. Wala umanong nakita ang pu­lisya at kaanak na may foul play sa insidente.

SUICIDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with