^

Probinsiya

3-anyos dumungaw sa police truck, pisak! Katabi ng lady cop na ina sa upuan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
3-anyos dumungaw sa police truck, pisak! Katabi ng lady cop na ina sa upuan
Kinilala ng pulisya ang batang nasawi na si Cherye­ Cleveland Figueras, anak ni P/Staff Sergeant Generosa­ Fegueras na nakatalaga sa Regional Mobile Force Battalion ng Cordillera Police Office.
File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Kalunus-lunos ang sinapit na kamatayan ng isang 3-anyos na anak na lalaki ng isang policewoman nang dumungaw sa bintana mula sa sinasakyang PNP truck at napisak ang ulo nito matapos na humampas sa pader ng gate ng isang establisimyento sa Mt. Sto. Tomas, Poblacion, Tuba, Benguet noong Linggo ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang batang nasawi na si Cherye­ Cleveland Figueras, anak ni P/Staff Sergeant Generosa­ Fegueras na nakatalaga sa Regional Mobile Force Battalion ng Cordillera Police Office.

Lumalabas sa imbestigas­yon na kasama ni P/SSgt. Figueras ang anak nito pag­labas ng kanilang kampo sakay ng Isuzu Flexi truck, service vehicle ng kanilang istasyon na minamaneho ni Police Cpl. Eric Accatan, 29-anyos ng K9 Unit patu­ngong Baguio City nang ma­­ganap ang insidente. 

Nabatid na hindi agad napansin ni P/SSgt. Figueras na nakalabas ang ulo ng anak mula sa kaliwang bintana ng police truck ng Explosive and Ordnance and K9 Unit nang mangyari ang trahedya dakong alas-3:52 ng hapon.

Posibleng sa kalikutan ng bata at may tinitingnan sa labas nang dumungaw bigla sa truck at sa kasamaang palad ay agad na humampas ang ulo nito sa gate ng Café in the Sky sa nasabing lugar para rito sana sila kakain.

Ang bata ay nakaupo umano sa mahabang upuan sa loob ng police vehicle ka­tabi ang kanyang ina sa may gawing likod ng driver.

Sinikap na isugod ng inang pulis at kasamahan ang biktima sa Baguio General Hospital pero idineklara ng mga manggagamot na patay na ang bata.

Isinailalim sa kustodya ng pulisya si Accatan at maging ang ina ng bata upang malaman kung may pananagutan sila dahil sa kapabayaan.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with