^

Probinsiya

Tserman nilikida sa barangay hall

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Tserman nilikida sa barangay hall
Kinilala ang nasawi na si Bong Matalam Bacana, 43, chairman ng Brgy. Kayaga, habang ang mga sugatan ay sina Uwaw Matikayan, Tatuan Kalantingan at Tagani Tapulid, pawang residente sa nasabing lugar.
File

NORTH COTABATO - Pinabulagta ng ‘di pa kilalang gunman ang isang barangay chairman sa mismong harap ng barangay hall habang sugatan ang tatlo pang tauhan nito sa quarry sa naganap na pamamaril sa Sitio Lumayong, Brgy. Kayaga, Kabacan, North Cotabato linggo ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Bong Matalam Bacana, 43, chairman ng Brgy. Kayaga, habang ang mga sugatan ay sina Uwaw Matikayan, Tatuan Kalantingan at Tagani Tapulid, pawang residente sa nasabing lugar.

Sa ulat kay Police Major Realan Mamon, hepe ng Kabacan Police, nag-uusap lamang sa harap ng barangay hall ang mga biktima nang pagbabarilin sila ng ‘di pa kilalang suspek, dakong alas-9:15 ng gabi.

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na mabilis na naisugod sa ospital pero idineklarang patay ang barangay chairman habang patuloy na ginagamot sa Kidapawan City ang tatlong nasugatan.

Sa panayam kay Cotabato Provincial Police Office spokesperson P/Lt. Col. Bernard Tayong, personal na alitan at may kinalaman sa trabaho ng tserman ang sinusundang anggulo sa pamamaril. 

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with