^

Probinsiya

2 todas, 3 malubha sa motor crash

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan -  Nasawi ang isang kawani ng State University at isang senior citizen habang tatlo pa ang malubhang nasugatan sa magkahiwalay na aksidente ng motorsiklo sa Isabela at Cagayan kamakalawa.

Ayon kay Captain Dennis Matias, hepe ng Cabagan Police; patay si Rey Martin ng Isabela State University nang dumausdos ang kanyang mo­torsiklo sa mga nakasakong mais na ibinibilad sa highway ng Barangay Cubag.

Nasawi rin si Arsenio Sonido, 77-anyos, nang tumbukin ng van ng tukayong si Arsenio Romano, 63, ang kanyang motorsiklong tumawid sa harapan ng huli sa Brgy. Alucao, Sta. Teresita, Cagayan.

Kritikal naman ang rider na si Fredomar Cudal matapos sumalpok sa kasalubong na traysikel na minamaneho ni Nestor Berbo, 35, sa Gattaran, Cagayan. Nangyari ang salpukan nang iwasan ni Cudal ang mga nagbibilad ng palay sa Barangay Takiki sanhi upang matumbok niya ang traysikel sa kabilang linya.

Sa Gattaran pa rin, malubha ang magbayaw na sina Jade Taloza, 23 at angkas na si Karl Ivan Ocafemia, 21, nang banggain mula sa likuran ng isang trak ang kanilang motorsiklo sa Brgy. Lapogan. Nag-overtake umano si Taloza sa isa pang sasakyan subalit nabuntutan ng trak na hawak ni John Benedict Salvador, 25.

Isinugod sa Cagayan Valley Medical Center ang magbayaw habang sumuko sa awtoridad si Salvador matapos ang insidente. 

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with