Motor salpok sa trike: 1 durog, 2 grabe
CAVITE - Isa ang patay habang dalawang iba pa ang sugatan makaraang sumalpok ang isang motorsiklo sa tricycle kamakalawa sa Governor’s drive, Purok 5, Brgy. Cabuco, Trece Martires City.
Kinilala ang nasawi na si Gerry Buenaflor, 33, steelman ng Timalan, Balsahan, Naic, Cavite habang kritikal at wala pang malay ang backrider nito na hindi pa nakikilala. Sugatan din ang driver ng tricycle na si Reynaldo Lipata, 51, taga-Caloocan City.
Sa ulat, dakong 8:40 ng gabi habang minamaneho ni Buenaflor ang kanyang Rusi motorcycle na walang plaka nang bumangga sa likod ng tricycle ni Lipata kaya kapwa tumilapon ang mga nasa motorsiklo.
Pinaniniwalaang lasing ang driver ng motorsiklo kaya bumangga sa tricycle.
- Latest