^

Probinsiya

Parak, 2 holdaper todas sa engkuwentro

Raymund Catindig, Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Parak, 2 holdaper todas sa engkuwentro
Kinilala ang nasawing pulis na si Staff Sergeant Richard Gumarang, nakatalaga sa Ramon Police Station habang ang mga napatay na holdaper ay sina Cristobal Cristobal, tubong Alaminos, Panga­sinan at Alden Francis Requndique na unang kinilala sa alyas na Edmar De Castro, 33-anyos ng San Juan, Ilocos Sur na nasawi habang ginagamot sa ospital sa Santiago City.
File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Dalawang umano’y holdaper at pulis ang nasawi sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng mga awtoridad at hinahabol na robbery suspects mula Tuguegarao City na nagtapos sa Ramon, Isabela noong Biyernes. 

Kinilala ang nasawing pulis na si Staff Sergeant Richard Gumarang, nakatalaga sa Ramon Police Station habang ang mga napatay na holdaper ay sina Cristobal Cristobal, tubong Alaminos, Panga­sinan at Alden Francis Requndique na unang kinilala sa alyas na Edmar De Castro, 33-anyos ng San Juan, Ilocos Sur na nasawi habang ginagamot sa ospital sa Santiago City.

Nadakip naman ang isa pang suspek na si Alfred Solis, 29, na unang nagpakilalang Jayson Saringan ng Bayambang, Pangasinan habang ang isa pa nilang kasamahan ay nakatakas at isinailalim sa manhunt ope­ration ng mga awtoridad. 

Sa report kay Isabela Police Director Colonel Mariano Rodriguez, unang inalarma ng Isabela Provincial Police ang lahat ng himpilan ng pulisya sa buong lalawigan matapos makatanggap ng impormasyon kaugnay sa holdapan sa Taguegarao City kung saan kinulimbat ng mga suspek ang dalang pera ni Lorena Carag, 45-anyos, isang sekretarya ng construction company dakong ala-1:00 ng hapon.

Agad na naglatag ng checkpoint ang Ramon Police para harangan ang isang Toyota Avanza na may conduction sticker na YOU 778 na ginamit umano ng mga suspek. Nang mabigong tumigil ang mga suspek matapos mapadaan sa checkpoint ay agad silang hinabol ng mga operatiba hanggang sa sila ay makorner sa Brgy. San Miguel sa nasabing bayan na nagresulta  ng shootout dakong alas-4:00 ng hapon.

Minalas na mapuruhan ng bala sa barilan ang nasabing pulis habang tumimbuwang din ang nabanggit na dalawang holdaper.

Nasamsam mula sa sasakyan ng mga suspek ang isang M16 armalite rifle, isang kalibre 45 at tatlong cellphone.

vuukle comment

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with