Kinilala ni Caraga Police Director P/Brig. Gen. Joselito Esquivel Jr., ang nasakoteng suspek na si Rustom Juangpao, 32-anyos, ng Brgy. 23, Gingoog City, Misamis Oriental.
File
Wanted sa 53 counts ng rape nag-viral sa FB, nasakote
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - September 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagsilbing susi upang mabitag ang isang ipinosteng larawan sa social media ng isang mister na wanted sa 53 counts ng rape matapos na maaresto sa followup operations ng pulisya sa Butuan City, Agusan del Norte.

Kinilala ni Caraga Police Director P/Brig. Gen. Joselito Esquivel Jr., ang nasakoteng suspek na si Rustom Juangpao, 32-anyos, ng Brgy. 23, Gingoog City, Misamis Oriental.

Si Colonel Albert Magno, director ng Butuan City Police ang nagsuperbisa sa pag-aresto kay Juangpao sa mga operatiba ng Butuan City Police Station 2, Mobile Force Company at Gingoog City Police dakong alas-9 ng gabi sa Brgy. Agusan Pequeño, Butuan City.

Ang suspect ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Merabeaus Undalok ng Branch 43 Regional Trial Court (RTC) 10 at Judge Giovanni Navarro ng RTC-Branch 27 kaugnay ng 53 bilang ng kasong panggagahasa at walang inirekomendang piyansa ang korte sa pansamantala nitong kalayaan.

Sinabi ni Esquivel na naaresto ang akusado nang mag-viral sa Facebook ang ipinosteng larawan ng Gingoog City Police kung saan ang biktima nito ay ang kanyang dalawang anak na menor-de-edad na babae.

Pinapurihan ni Esquivel ang kanyang mga tauhan sa matagumpay na pagkakaaresto sa naturang wanted na ama.

RAPE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with