Briton dedo sa plane crash
Gary Bernardo, Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - September 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang pilotong Briton makaraang bumagsak ang pinalilipad nitong maliit na eroplano sa isang palayan sa Brgy. Lapaz Turu, Arayat, Pampanga nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang nasawing piloto na si Mark Hogget, 55-taong gulang, may asawa, British national at residente ng Camella Homes, Tarlac City. Siya ay dead-on-the-spot sa insidente dahil sa tinamong matin­ding sugat sa katawan.

Sa ulat ng Pampanga Police, dakong alas-3 ng hapon habang pinalilipad ng biktima ang isang 2-seater white quick Silver Ultra aircraft na may body number RPS2785 na pag-aari ng Angeles Flying Club nang mangyari ang trahedya sa lugar.

Ang insidente ay inireport sa Arayat Police bandang alas-4:45 ng hapon ng barangay captain matapos na makita ng mga residente ang pagbulusok ng nasabing light aircraft sa palayan.

Agad na nagresponde ang mga awtoridad at narekober ang bangkay ng biktima sa crash site.

PLANE CRASH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with