Ito ang kinumpirma kahapon ni Cordillera Police Director Police Brig. Gen. Israel Ephraim Dickson, base sa resulta ng isinagawang autopsy examination ng Baguio City Medico Legal Officer sa bangkay ni 4th Class Cadet Darwin Dormitorio, 20-anyos, na unang iniulat na nasawi dahil sa “cardiac arrest secondary to internal he-morrhage”.
File
PMA cadet patay sa hazing kinuryente ang ari, binugbog ng upper classmen
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matinding torture sa katawan dahil sa hazing ang sanhi ng pagkamatay ng isang kadete ng Philippine Military Academy (PMA) mula sa kamay ng kanyang mga upper classmen sa loob ng kanilang akademya sa Baguio City.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Cordillera Police Director Police Brig. Gen. Israel Ephraim Dickson, base sa resulta ng isinagawang autopsy examination ng Baguio City Medico Legal Officer sa bangkay ni 4th Class Cadet Darwin Dormitorio, 20-anyos, na unang iniulat na nasawi dahil sa “cardiac arrest secondary to internal he-morrhage”.

“He suffered from internal hemorrhage in the stomach and lower abdomen,” pahayag ni Dickson.

Sa kabila nito, sinabi ni Dickson na nagsasagawa pa sila ng balidasyon sa impormasyon na bukod sa pambubugbog o paghampas ng matigas na bagay kay Dormitorio ay kinur-yente pa umano ang kadete sa isinagawang hazing dito ng kanyang mga upper classmen.

Hinggil naman sa pagsusuka ng dugo ni Dormitorio, sinabi ng opisyal na posibleng may nabasag sa internal organs nito.

Sinabi ni Dickson na tatlong suspek na kadete, dalawa rito ay 3rd Class at isang 1st Class ang kasalukuyang “restricted to custody” bunga ng insidente.

Si Dormitorio ay dumaing ng matinding pana­nakit ng tiyan at nagsuka ng dugo bago siya natagpuang walang malay tao sa kanilang barracks sa Room 209 sa PMA-Mayo Hall Annex noong Miyerkules dakong ala-1 ng mada-ling araw. Siya ay isinugod sa PMA Hospital pero binawian ng buhay bandang alas-5:15 ng umaga nang nasabi ring araw.

Samantala, sa Facebook post ng mga kamag-anak ni Dormitorio, sinabing kinuryente umano ang ari o maseselang bahagi ng katawan ng nasabing kadete.

Kaugnay nito, tiniyak ni PMA Supt. Major Gen. Ronnie Evangelista na papatawan ng karampatang parusa ang mga nasa likod ng pagkamatay ni Dormitorio. Tiniyak din nito na makakakuha ng hustisya ang pamilya Dormitorio dahil sa matinding sinapit ng kadete.

PMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with