Sa ulat ng Cantilan Police, kinilala ang mga nasawi na sina Rogelio Ravelo Jr., 35-anyos, isang overseas Filipino worker; ang maybahay nitong si Alfonsita, 39, isang guro; at dalawa nilang anak na may edad 3 at 9.
File
OFW, misis at 2 anak minasaker
Joy Cantos, Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang pamilya makaraan silang pasukin at pagsasaksakin hanggang sa mapatay ng kanilang umano’y sariling kaanak sa malagim na krimen sa Purok 1, Sitio Gapas Gapas, Brgy. San Pedro, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Cantilan Police,  kinilala ang mga nasawi na sina Rogelio Ravelo Jr., 35-anyos, isang overseas Filipino worker; ang maybahay nitong si Alfonsita, 39, isang guro; at dalawa nilang anak na may edad 3 at 9.

Bandang alas-8:30 ng umaga nitong Biyernes nang madiskubre ang krimen na hinihinalang nangyari ng gabi o madaling araw.

Ang ginang at anak nitong si CJ ay natagpuan ang duguang bangkay sa may sala habang ang ama at isa pa nitong anak ay sa loob ng kuwarto kung saan nakuha rin sa lugar ang murder weapon na isang matalim na kutsilyo.

 Sinabi ni Capt. Ferdinand Tabares, hepe ng Cantilan Police Station na luma­labas sa kanilang inisyal na pagsisiyasat at pagtatanong sa kapitbahay ng mga biktima na posibleng may kinalaman sa away-lupa ang dahilan ng krimen.

Naaresto naman ang hinihinalang suspek sa krimen na nakilalang si Alex Roales, kapatid umano ni Alfonsita, na iniimbestigahan na ng pulisya.

Inaalam ng mga imbestigador kung may diperensya sa pag-iisip si Roales kaya nagawa ang karumal-dumal na krimen sa mga kaanak bagaman unang lumutang ang anggulo na away sa lupa ang motibo sa pagpatay.

MINASACRE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with