Agad na nasawi sa lugar ang mga biktima na sina Satar Guidnapan at Menta Talib habang ang mga sugatan ay nakilalang sina Makakena Rajamuda, Popoy Rajamuda, Magtanggol Rajamuda, Myla Louis, Esmael Kios, Marlon Pendog, at Kalupi Puasa.
File
Clan war sumiklab: 2 todas, 7 sugatan
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2019 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines — Dalawa katao ang bumulagta habang pito naman ang sugatan sa nangyaring pananambang ng mga armadong kalalakihan sa clan war sa Provincial Road, Brgy. Busaon, bayan ng Banisilan kamakalawa ng umaga.

Agad na nasawi sa lugar ang mga biktima na sina Satar Guidnapan at Menta Talib habang ang mga sugatan ay nakilalang sina Makakena Rajamuda, Popoy Rajamuda, Magtanggol Rajamuda, Myla Louis, Esmael Kios, Marlon Pendog, at Kalupi Puasa.

Ayon kay Police Captain Jose Ryan Pereñel, nangyari ang pananambang alas-9:00 ng umaga.

Ang mga suspek sa ambush ay mga tauhan umano ni Kumander Kanda na kalaban naman ng grupo ni Kumander Bobby Rajamuda.

Dagdag ni Captain Pereñel, ang nasabing mga grupo ay kapwa miyembro umano ng Moro Islamic Li-beration Front (MILF).

Rido o away-pamilya ang nakikitang motibo ng mga otoridad dahil mayroon na umanong nakaraang alitan ang nasabing grupo. 

CRIME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with