2 inaresto sa ‘Marcos wealth scam’
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2019 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Inaresto ang dalawang lider ng National People’s Initiative Council (NPIC) na umano’y nangdenggoy ng mga katutubong Aeta sa pangakong makakatanggap sila ng tig-isang milyong piso na ibabahagi umano ng mga Marcoses ngayong Sabado kung saan ginugunita ang Martial Law.

Sa report kay Cagayan Police Director Colonel Ignacio Cumigad, dinakma ng mga nagrespondeng pulis sina Concepcion Balawen at Domingo Quilinguin na inireklamo ng mga opisyal sa Brgy. Capissayan Norte, Gattaran dahil sa pangongolekta ng tig-P400 sa mga mamamayan bilang “membership fee” sa NCPI nang walang ibinibigay na official receipt.

Nasamsam mula sa dalawa ang P36,600 na koleksyon mula sa kanilang mga nabiktima.

Sina Balawen at Quilinguin ay sinampahan na ng kasong large scale estafa.

Naunang sinampahan ng parehong kaso ang mag-ama na sinasabing pasimuno sa ilegal na pangongolekta na sina Rufino Onia at anak na si Rovelina Barcena na kasalukuyang nagtatago. Ang mag-ama ang itinuturo ng 37 katutubong Aeta mula Gat­taran at Buguey na kinolektahan umano nila ng pera upang mapasama sa mga tatanggap ng tig-P1 milyon ng Marcos wealth mula sa isang Bishop Danilo Villanueva na ipamumudmod ngayong araw ng Martial Law.

Magugunita na namuti ang mata ng mga Aeta sa kakahintay sa mag-ama sa lungsod na ito na nangakong susunduin sila papuntang Marikina City subalit hindi naman nagpa-kita noong nakaraang linggo.

MARTIAL LAW
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with