Anak ng kagawad iniwan ng nobya, nag-suicide
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2019 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Patay agad ang isang 22-anyos na binata na anak ng isang barangay kagawad matapos magbaril sa sentido nang kalasan ng kanyang nobya sa Brgy. Palattao, Naguilian, Isabela noong Huwebes.

Sa report ng pulisya, umuwing lasing si Joseph Pascua saka muling lumabas ng bahay at doon sumunod ang ali-ngawngaw ng putok dakong alas-9:45 ng gabi.

Sa ulat, tumanggi nang ipadala ng mga magulang sa pagamutan ang anak nang makita nilang wala nang saysay ang anumang atensiyong medikal dahil sa malalang tama nito sa kaliwang sentido. Gayunman, isinuko ng amang opisyal ang cal. 45 baril na ginamit ng anak sa pagpapakamatay para sa kaukulang ballistic examination at masuri ang papeles nito.

Ayon sa mga kaanak, mag-iisang linggo nang naglalasing ang biktima simula nang magkaroon sila ng alitan ng kanyang nobya. Nauna sa insidente, nag-post pa sa social media ang binata ukol sa plano umano nitong wakasan na ang kanyang buhay.

SUICIDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with