^

Probinsiya

PWD na ‘tulak’, runner tiklo sa droga

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Isang person with disability (PWD) at runner nito na kapwa nasa drug watchlist ang nadakma sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa kamakalawa ng hapon sa Brgy. Salawag, Dasmariñas City. Kinilala ni Police Supt. Nerwin Ricohermoso, hepe ng Dasmariñas Police ang mga suspek na sina Larry Empeno, 53-anyos, isang pipi’t bingi na nasa drug list ng pulisya bilang pusher, residente ng Paliparan Road, Brgy. Salawag ng lungsod at Randy Osayan alias “Ran”, 43, ng Phase 4 Brgy.

Pinagbuklod, Imus City, Cavite. Ayon kay Col. Ricohermoso, alas-4:00 ng hapon nang ikasa ng PIB/DET-Cavite ang anti-Illegal drugs operation laban sa mga suspek. Mismong ang dalawang suspek umano ang nag-abot ng droga na may halagang P500 sa poseur buyer na pulis.

Matapos ang transaksyon, agad na dinakma ang dalawa na nakumpiskahan ng may 5 plastic sachet ng shabu na nasa 30 gramo na aabot sa halagang P300,000.

vuukle comment

PWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with