^

Probinsiya

Ex-mayor sa Camiguin, arestado sa kasong korapsyon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang dating ma-yor ng Mahinog, Camiguin na sangkot sa kasong Anti-graft and Corrupt Practices Act sa isinagawang operasyon nitong Miyerkules ng gabi.

Ang nasakoteng suspek ay si Alex Jajalla, 62-anyos, negosyante at residente ng Brgy. Hubangon, Mahinog, Camiguin.

Sa ulat na tinanggap ni PNP-CIDG Director Amador Corpus, dakong alas-6:00 ng gabi nang arestuhin si Jajalla.

Ang dating alkalde ay inaresto  ng mga pulis kaugnay ng kasong paglabag sa Republic Act 3019 sa kasong Anti-Graft and Corrupt Practices Act base sa warrant of arrest na inisyu ni Judge Theresa Dolores Gomez-Estoesta ng 7th Division, Sandiganbayan, Quezon City.

Hinatulan ng 7th Division ng Sandiganbayan si Jajalla ng hindi bababa sa anim na taong pagkakabilanggo dahil sa reklamo noong 2008 nang aprubahan ng dating mayor ang 6-month leave with pay ng kanyang kapatid na nagsilbing security officer niya.

 

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with