^

Probinsiya

8 NPA rebs huli sa checkpoint

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Walong miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasakote ng mga otoridad sa isang checkpoint na nagresulta sa pagkakakum-piska ng samu’t-saring armas sa Escalante City, Negros Occidental nitong Miyerkules ng hapon.

Ang mga naaresto ay sina Kenneth Serondo, 18, ng Toboso, Negros Occidental; Clint Mangayon, 20, Joel Guillero, 40; pawang ng Escalante City; Leon Charito, 60; Bienvenido Ducay, 55, ng Toboso, Negros Occidental; Aiza Chavez, 32, mula sa Brgy. Balintawak ng lungsod; Jonathan Cahintic, 21; at Albert Olid,18, residente rin sa nabanggit na siyudad.

Sa ulat, dakong alas-5:00 ng hapon nang maharang ng mga otoridad ang mga sus-pek sa checkpoint sa Brgy. Jonob-Jonob na lulan ng isang kulay berdeng sasakyan.

Patungo umano sa Brgy. Balintawak, Escalante City ang mga suspek nang mapansin ng mga operatiba sa na isa sa mga pasahero ay nagkasa ng armas habang palapit sa checkpoint kaya’t pinara ito.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang iba’t ibang uri ng armas kabilang ang limang cal .45 pistols, isang rifle granade, isang cal 9 MM, KG 9 sub machine gun, tatlong M203 grenade launcher, isang sako na nag­lalaman ng 21 bote na may lamang gasolina bawat isa, at samu’t-saring mga bala.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with