^

Probinsiya

Obrero kinatay ng kaanak

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

TIAONG, Quezon, Philippines – Nagmistulang kinatay na hayop ang isang obrero matapos ataduhin ng taga ng kanyang kaanak habang papauwi sa kanilang tahanan naganap sa Sitio Centro, Brgy. Cabatang, sa lalawigang ito, kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang biktimang si Ordonise Dayo, 38, may asawa; habang tugis na ang suspek na si Christian Dayo.

Batay sa imbestigasyon, naglalakad patungo sa kanyang bahay ang biktima kasama ang kaibigang si Gilbert makaraang mag-inuman at maglaro ng bilyar nang sundan ng suspek.

Habang pagiwang-giwang umano sa paglalakad ang biktima dakong alas-8:30 ng gabi ay patraydor itong tinaga ng suspek at nang bumagsak sa lupa ay saka sunud-sunod na pinagtataga pa sa iba’t ibang parte ng katawan saka tumakas.

Isa sa anggulong tinitingnan ng pulisya sa krimen ay ang awayan sa lupa ng magkakaanak.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with