^

Probinsiya

Transwoman ginilitan, dinukot ang mata

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Brutal ang sinapit na kamatayan ng isang transgender woman makaraang pagtatagain, gilitan sa leeg at dukutin pa ang kanyang mata ng mga hinihinalang textmate nito sa isang beach resort sa Bolinao, Pangasinan nitong Martes.

Kinilala ni P/Major Dennis Cabigat, hepe ng Bolinao Police ang biktima na si Jes­toni Remiendo, 29-anyos, wai­ter sa Treasures of Bolinao Beach Resort at residente ng Alaminos City.

Sa imbestigasyon, ang bangkay ni Remiendo ay nadiskubre ng mga guests at staff ng Valdivia Beach Resort sa may buhanginan sa Brgy. Patar, Bolinao bandang alas-6 ng umaga kamakalawa. Hinubaran ang biktima at tadtad ng mga taga sa leeg at katawan saka dinukot pa ang kanang mata nito ng mga salarin.

Ang insidente ay inireport sa Bolinao Police ng grupo ni Noreen Barber, overall president ng United Panga­sinan Association ng Lesbian Gay Bisexual Transgender (LGBT).

Nauna rito, noong Lunes ng hatinggabi ay nakipag-inu­man pa ang biktima sa mga kasama sa trabaho at kapatid na babae sa natu­rang resort hanggang sa magpaalam na bibili lamang ng sigarilyo pero hindi na nakabalik sa kanilang cottage. Sinasabing nakipagkita rin ang biktima sa ka-textmate nito sa lugar.

Sinabi ni Cabigat na may tinitingnan na silang dalawang posibleng suspek sa krimen, isa umano rito ay menor-de-edad base na rin sa mga text messages sa cellphone ng biktima na narekober sa lugar. Cesar Ramirez, Raymund Catindig

 

vuukle comment

TRANSWOMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with